Ang Embahada ng Thailand sa Maynila kasama ang Team Thailand sa Pilipinas ay ipinagdiwang ang Thai New Year Festival na mas kilala bilang ?Songkran Festival? noong 15-18 ng Abril 2010.
Ang Songkran Festival sa Pilipinas ngayong taon ay binubuo ng isang seremonya na kinapapalooban ng pagbibigay galang sa mga nakakatanda, pagpapakita ng kulturang Thai sa pamamagitan ng isang pagtatanghal at paglalahad ng mga gawi kaugnay ng nasabing selebrasyon. Naimbitahan ang ?Saban Nga?, isang popular na grupo ng mga mananayaw, upang ipamalas ang mga natatanging tradisyonal na sayaw mula sa iba?t ibang rehiyon ng Thailand.
Ang naturang grupo ay binubuo ng 25 mga Thai na kalalakihan at kababaihan na may angking talento sa pagsasayaw. Upang ganap na mailahad ang ?Thainess? sa mga panauhin, ang Embahada ay nag-organisa ng mga ritwal at aktibidad na nagbibigay ng tunay na kahulugan ng Songkran Festival.
Ginanap sa tahanan ng Thai Ambassador noong Abril 15 ang isang natatanging palabas para sa mga miyembro ng Diplomatic Corps at iba pang panauhing pandangal. Tampok sa pagtatanghal ang mga sayaw at tradisyon ng Thailand. Inihain din dito ang mga sariwa at masarap na prutas na inangkat mula pa sa naturang bansa.
Ang Embahada at ang Villa Escudero Plantations and Resorts ay magkasamang idinaos noong Abril 17 at 18 ang Thai-Philippine Cultural Show sa San Pablo City, Laguna. Ang nasabing Cultural Show ay ipinamalas ang mga tradisyonal na sayaw ng Thailand sa gitna ng isang paligid na balot ng mga Pilipinong palamuti. Labis na ikinagalak ng mga bisita sa Villa Escudero ang pagsama sa isang sayawan sa tabi ng ilog. Ang selebrasyon na ito ay binuksan para sa lahat.
Ang pagdiriwang ng Songkran ay naglalayon na isulong ang diplomasyang kultural at pagtibayin pa lalo ang pagkakaibigan at magandang samahan sa pagitan ng Thailand at Pilipinas.
Sinisimbolo ng Songkran ang pagpasok ng bagong taon para sa mga taga-Thailand. Ito ay kumakatawan sa pagsisimulang muli at pagbibigay na rin ng respeto sa mga matatanda. Tubig ang pumapapel na simbolo ng pagbabagong-buhay at puripikasyon tuwing Songkran.











สถานเอกอัครราชทูต 

